Duterte, nanguna pa rin sa pre-presidential survey ng Pulse Asia

By Dona Dominguez-Cargullo April 19, 2016 - 12:05 PM

duterte-0210-e1455166134124Si Davao City Mayor Rodrigo Duterte pa rin ang nangunguna sa latest survey ng Pulse Asia na kinomisyon ng ABS-CBN

Isinagawa ang survey mula April 5 hanggang 10 o bago pa ang naging kontrobersiyal na pahayag ni Duterte sa Australian rape victim.

Nakakuha si Duterte ng 32 percent na mas mataas ng pitong puntos kay Senator Grace Poe na nakakuha naman ng 25 percent.

Statistically tied sa ikatlong pwesto sina Vice President Jejomar Binay na may 20 percent at si administration candidate Mar Roxas na may 18 percent.

Si Senator Miriam Defensor-Santiago ang nasa ikaapat na pwesto na nakakuha ng 1 percent.

Sakop ng survey ang 4,000 registered voters nationwide, na may margin of error na plus minus 1.5 percent.

Magugunitang naging kontrobersiyal ang komento ni Duterte sa Australian rape victim noong 1989.

Ayon sa ilang political analyst, maaapektuhan ng nasabing insidente ang kandidatura ni Duterte.

 

TAGS: Pulse Asia Survey, Pulse Asia Survey

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.