50,000 doses ng Sputnik V COVID-19 vaccine darating sa bansa sa Mayo 30

Photo credit: @ntfcovid19ph/Twitter

Limampung libong doses pa ng bakuna kontra COVID-19 nagawa ng Sputnik V mula sa Russia ang darating sa bansa bukas, Mayo 30.

Ayon sa pahayag ng National Task Force Against COVID-19,  darating ang mga bakuna sakay ng Qatar Airways.

Inaasahang darating ang mga bakuna ng 11:00 ng gabi sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Agad na dadalhin ang mga bakuna sa Pharmaserv Warehouse sa Marikina City bago ipamahagi sa iba’t-ibang lugar.

Ito na ang ikatlong batch ng Sputnik V na darating sa bansa.

Mayo 1 unang dumating ang 15,000 doses at sinundan noong Mayo 12 ng 15,000 doses.

Sa ngayon, nasa 8 milyong doses na ng bakuna ang nakukuha ng Pilipinas kung saan 5 milyon dito ay gawa ng Sinovac ng China.

Read more...