Magnitude 4.2 na lindol, yumanig sa Leyte; Intensity 3, naitala sa Ormoc City

Tumama ang magnitude 4.2 na lindol sa Albuera, Leyte Biyernes ng gabi.

Sa earthquake information no. 1 ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 16 kilometers Northeast ng Albuera dakong 6:52 ng gabi.

12 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Bunsod nito, naitala ang Intensity 3 sa Ormoc City habang Instrumental Intensity 2 naman sa Alangalang, Leyte.

Wala namang napaulat na pinsala sa Albuera at mga karatig-lugar.

Sinabi ng Phivolcs na wala ring inaasahang aftershocks magapos ang pagyanig.

Read more...