Dagupan City, Sangley Point, nakaranas ng 48 degrees Celsius na heat index ngayong araw
Patuloy na nakaranas ng mainit at maalinsangang panahon ang maraming lugar sa bansa sa araw ng Biyernes, May 28.
Sa datos ng PAGASA, umabot sa 48 degrees Celsius ang heat index sa Dagupan City, Pangasinan dakong 2:00 ng hapon at Sangley Point, Cavite bandang 11:00 ng umaga.
47 degrees Celsius naman ang heat index sa Aparri, Cagayan bandang 11:00 ng umaga at Ambulong, Batangas dakong 2:00 ng hapon.
Nasa 44 degrees Celsius ang heat index sa mga sumusunod na lugar:
– Dipolog, Zamboanga del Norte (2:00 ng hapon)
– Iba, Zambales (11:00 ng umaga)
– Masbate City, Masbate (1:00 ng hapon)
– NAIA Pasay City (2:00 ng hapon)
– Tuguegarao City, Cagayan (3:00 ng hapon)
43 degrees Celsius na heat index naman ang heat index sa:
– Casiguran, Aurora (2:00 ng hapon)
– Cubi Pt., Subic Bay Olongapo City (2:00 ng hapon)
Naitala ang 42 degrees Celsius na heat index sa:
– Clark Airport, Pampanga (2:00 ng hapon)
– Davao City, Davao del Sur (1:00 ng hapon)
– Surigao City, Surigao del Norte (2:00 ng hapon)
Umabot naman sa 41 degrees Celsius ang heat index sa:
– Butuan City, Agusan del Norte (11:00 ng umaga)
– Port Area, Manila (2:00 ng hapon)
– Science Garden Quezon City (2:00 ng hapon)
Ayon sa weather bureau, mapanganib ang dulot kapag umabot sa 41 hanggang 54 degrees Celsius ang heat index dahil sa sobrang init, maaari itong magdulot ng heat cramps at heat exhaustion na posibleng mauwi sa heat stroke.
Paalala ng PAGASA sa publiko na dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan na muna ang anumang physical activities tuwing tanghali at hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.