Pa-raffle, ibang insentibo para sa mga magpapabakuna suportado ni Sen. Ping Lacson
Magandang hakbang, ayon kay Senator Panfilo Lacson, ang anumang uri ng malikhaing pamamaraan para mahikayat ang mamamayan na magpabakuna.
Reaksyon ito ng senador sa mga pag-aalok ng insentibo, gaya ng pa-raffle, ng ilang lokal na pamahalaan para makumbinsi ang kanilang mamamayan na magpaturok na ng bakuna kontra COVID-19.
“A chance at winning in the lottery and other creative incentives to attract more Filipinos to get themselves vaccinated – these are good moves by the government, both national and local, and even the private sector to attain herd immunity at the soonest possible time,” aniya.
Aniya, maari namang gumamit ng lahat ng legal na posibleng pamamaraan para mabakunahan ang lahat ng mga Filipino.
Pagdiin ni Lacson, ginagawa naman ang lahat para sa kalusugan at kaligtasan ng mamamayan para na rin sumigla muli ang ekonomiya at bumalik na sa normal ang pamumuhay ng lahat.
Maging si Senate President Pro Tempore Ralph Recto ay pabor sa pagbibigay insentibo para makahikayat nang mga magpapabakuna.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.