Pamamahagi ng Pfizer COVID-19 vaccine, walang favoritism – Malakanyang

By Chona Yu May 28, 2021 - 04:26 PM

Mariing pinabulaanan ng Palasyo ng Malakanyang na may umiiral na favoritism sa alokasyon ng Pfizer COVID-19 vaccines sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kaya nakatatanggap ng Pfizer ang ilang local government units dahil sila ang may sub zero cold storage facilities na pangunahing storage requirement para sa mga bakuna ng Pfizer.

Sa ngayon, mayroong walong milyong doses ng COVID-19 vaccines ang bansa. Sa bilang na ito, 193,000 doses ang Pfizer galing sa COVAX facility, habang limang milyong doses naman ang Sinovac.

Mayroong 40 milyong doses ng Pfizer vaccines ang binili ng pamahalaan subalit hindi pa batid kung kailan ito maide-deliver sa bansa.

TAGS: Harry Roque, Inquirer News, pfizer, Pfizer COVID-19 vaccines, Radyo Inquirer news, Harry Roque, Inquirer News, pfizer, Pfizer COVID-19 vaccines, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.