Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Biyernes (May 28), pumalo na sa 1,209,154 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabi kasing bilang, 53,770 o 4.4 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 8,748 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
93.2 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 2.2 porsyento ang asymptomatic; 1.30 porsyento ang moderate; 1.8 porsyento ang severe habang 1.4 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 187 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 20,566 o 1.70 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 3,017 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 1,134,818 o 94.9 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.