Bilang ng mga rehistradong botante para sa 2022 elections, umabot na sa 59-M
Umabot na sa 59 milyon ang bilang ng mga rehistradong botante para sa 2022 elections, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Sa Laging Handa public briefing, muling hinikayat ni Comelec Commissioner Antonio Kho Jr. ang lahat na magparehistro na.
Nagpatupad aniya sila ng ilang hakbang upang mapadali ang pagpaparehistro.
Kabilang dito ang “iRehistro” kung saan maaring matapos ng aplikante ang application forms online at saka sila pupunta sa tanggapan ng Comelec para sa biometrics.
Nagpakalat na rin sila ng satellite registration centers upang maabot ang ilan pang komunidad.
Sa ganitong paraan, sinabi ni Kho na umaasa silang madadagdagan pa ang mga magpaparehistro.
Target ng Comelec na lumagpas na humigit-kumulang 60 milyon ang makapagparehistro para sa nalalapit na eleksyon.
Maaaring magparehistro hanggang sa buwan ng Setyembre.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.