DFA nakiramay sa pamilya ng mga nasawi sa pamamaril sa San Jose, California
Nagparating ng pakikiramay ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga naulilang pamilya ng mga nasawi sa pamamaril sa San Jose, California sa Amerika.
Sinabi ng kagawaran na kinumpirma ng Philippine Consulate General sa San Francisco na isang Filipino ang kabilang sa mga nasawi sa insidente.
Tiniyak ng DFA na handa silang mag-abot ng mga kinakailangang tulong.
Nakikipag-ugnayan na ang Konsulado sa mga awtoridad ng San Jose at mahigpit na tututukan ang mga update sa insidente.
Nangyari ang pamamaril noong May 26, 2021.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.