Presyo ng gasolina, mahigit P40 na ulit, diesel halos P25 na
Matapos ang mahigit pisong dagdag presyo na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis ngayong araw, mahigit P40 na muli ang halaga ng kada litro ng gasolina at halos P25 na ang presyo ng kada litro ng diesel.
Sa branch ng Petron sa Kamuning, Quezon City, P24.60 na ang presyo ng kada litro ng diesel, P39.03 ang kada litro ng gasolina at P40.63 ang kada litro ng magandang uri ng gasolina.
Sa Caltex naman sa nasabing ring lugar, P24.42 ang presyo ng kada litro ng diesel, at ang gasolina ay naglalaro sa P38.45 hanggang P40.53 ang presyo depende sa klase. Nasa P33.40 naman ang kada litro ng kerosene.
Sa branch naman ng Shell sa Timog, Quezon City, P24.37 ang diesel, at ang presyo ng kada litro ng gasolina ay naglalaro sa P38.45 hanggang P40.63 depende sa klase.
Sa lungsod naman ng Maynila, partikular sa bahagi ng Quirino Avenue malapit sa Mabini. Bridge sa Paco, ang branch ng Petron ay nasa P24.39 ang halaga ng kada litro ng diesel, at nasa pagitan ng P39.29 hanggang P40.89 ang presyo ng kada litro ng gasolina.
Ang Chevron naman ay P24.39 din ang presyo ng diesel at pareho din sa P39.29 hanggang P40.89 ang presyo ng gasolina.
Mas mahal naman ng kaunti ang halaga ng diesel ng Shell sa nasabing lugar na P24.44 ang kada litro pero paraho din ang halaga ng gasolina.
Sa bahagi naman ng Otis sa Maynila, mas mahal ang presyuhan ng produktong petrolyo.
Ang branch ng Petron sa Otis, nasa P25.17 ang kada litro ng diesel, at ang presyo ng gasolina ay nasa pagitan ng P39.36 hanggang P41.74 depende sa klase.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.