Ayon kay Villar, bukod sa bagong bahay at lupa, kasama rin sa mga ipara-raffle ang groceries at motorsiklo.
Bukas ang incentive program na “May Bahay sa Bakuna: Bakunado Ka Na, May Bahay ka Pa” sa mga residente sa Las Piñas na nag-eedad ng 18 pataas na nakatanggap na ng single dose ng bakuna kahit pa na anong brand ang ginamit.
Ayon kay Villar, nais niyang mabigyan ng ng proteksyon ang mga residente sa lugar para makaiwas sa COVID-19.
Umaasa si Villar na dahil sa pa-raffle, mas marami ang magkaka-interes na magpabakuna.
Maari aniyang makuha ang raffle ticket sa mga barangay hall.
Ayon kay Villar, maaring ihulog ang kanilang entry sa mga barangay hall pati na sa AllHome at AllDay Supermarket branches sa Las Piñas City.
Isasagawa ang monthly draw sa July 15 para sa 50 winners ng pangkabuhayan showcase na nagkakahalaga ng P5,000.
Sa December 24 naman isasagawa ang grand draw para sa house and lot mula sa Bria Homes at dalawang motorsiklo.