Patuloy na tumataas ang bilang ng nasawi sa magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Ecuador.
Sa pinakabagong datos, 413 na ang bilang ng nasawi habang mahigit dalawang libo ang nasugatan.
Patuoy naman ang pagdagsa ng tulong mula sa iba’t ibang mga bansa kabilang ang pagdating ng rescuers mula sa Mexico, Spain, Colombia, Chile, Venezuela at Peru.
Nagpalabas naman na ng 1 million euros ang European Union bilang humanitarian aid para matulungan ang mga biktima ng lindol.
Ayon kay Ricardo Peñaherrera ng national emergency management office ng Ecuador, pinakamatinding pinsala ang tinamo ng Manabi Province kung saan nasa 200 ang nasawi.
Nagtamo din ng matinding pinsala ang mga siyudad ng Manta, Portoviejo at Pedernales.
Ayon kay Peñaherrera, problema nila ngayon ang kakulangan na ng suplay ng tubig at ang kawalan ng komunikasyon.