Batas na maghahati sa Maguindanao, nilagdaan na ni Pangulong Duterte

Presidential photo

Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong batas na maghahati sa Maguindanao bilang dalawang probinsya.

Batay sa Republic Act 11550, mahahati ang Maguindanao sa Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur.

Sakop ng Maguindanao del Norte ang Barira, Buldon, Datu Blah Sinsuat, Datu Odin Sinsuat, Kabuntalan, Matanog, Northern Kabuntalan, Parang, North Upi, Sultan Kudarat, Sultan Mastura, at Talitay

Sakop naman ng Maguindanao del Sur ang Ampatuan, Buluan, Datu Abdulla Sangki, Datu Anggal Midtimbang, Datu Hoffer Ampatuan, Datu Montawal, Datu Paglas, Datu Piang, Datu Salibo, Datu Saudi Ampatuan, Datu Unsay, Gen. Salipada K. Pendatun, Guindulungan, Mamasapano, Mangudadatu, Pagalungan, Paglat, Pandag, Rajah Buayan, Sharif Aguak, Sharif Saydona Mustafa, Sultan sa Barongis, Talayan, at South Upi.

Nakasaad sa bagong batas na ang Dati Odin Sinsuat will ang magiging capital ng Maguindanao del Norte, habang ang Buluan ang capital ng Maguindanao del Sur.

Gayunman, dadaan pa sa plebisito ang bagong batas kung saan kinakailangan ang pag-apruba ng mayoryang mga residente.

Dapat isagawa ang plebisito na pangangasiwaan ng Commission on Elections 90 araw matapos maging epektibo ang batas.

 

Read more...