Malusog na Batang Pasigueño Program, inilunsad na sa Pasig
Inilunsad na ng Pasig City government ang bagong programa para sa mga batang residente ng lungsod.
Ayon sa Pasig City Public Information Office, layon ng Malusog na Batang Pasigueño (MBP) Program na masigurong nakukuha ng mga bata ang basic nutrition requirements para matugunan ang malnutrition sa mga mag-aaral sa pampublikong paaralan.
Maari kasing makaapekto ang malnutrition sa academic performance ng mga mag-aaral.
Naglalaman ang bawat food pack ng mga pagkain na may tatlong micronutrients (Vitamin A, iodine, at iron) na makakatulong din sa brain development ng mga mag-aaral.
Nasa 148,000 estudyante sa mga pampublikong paaralan simula Kindergarten hanggang Senior High School ang benepisyaryo ng MBP, kabilang din ang mga nasa SPED at alternative learning system o ALS.
Noong May 17 hanggang 20, sinimulan na ang pamamahagi nito sa 44 elementary schools at high schools sa lungsod, sa pangunguna ni Mayor Vico Sotto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.