Senado pinaboran ang panukala para sa konkretong proteksyon sa mga bata laban sa online exploitation

Sa botong 23-0, naaprubahan na sa Senado ang panukalang magpapalawak at magpapatibay pa sa proteksyon sa mga bata laban sa online sexual abuse and exploitation.

Ayon kay Sen. Risa Hontiveros, ang namumuno sa Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, napakahalaga na maamyendahan ang mga batas.

Si Hontiveros din ang nag-sponsor ng Senate Bill No. 2209 o ang Special Protections Against Online Sexual Abuse and Exploitation of Children.

“It is time that we put an end to the rampant online sexual abuse and exploitation of children in the country. Let’s make sure that there will be no more predators and abusers who will be able to avoid our laws, and that there will be no more child victims subjected to such horrible acts,” sabi ni Hontiveros.

Paliwanag niya ang panukala magtatakip sa mga ‘butas’ ng Anti-Child Pornography Act of 2009 at ito ay magiging hiwalay na sa mga itinakdang kaparusahan sa mga lalabag sa Anti-Child Abuse Law (RA 7610) at Anti-Trafficking in Persons Act (RA 9208).

Pinasalamatan din ni Hontiveros ang mga kapwa senador sa pagsuporta sa panukala.

Read more...