Metro Manila at mga kalapit na lalawigan na karanas ng pag-ulan ngayong umaga

Apr 19Mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang naranasan ngayong umaga sa ilang bahagi ng Metro Manila at sa mga kalapit na lalawigan na Rizal, Quezon, Cavite, Bulacan at Batangas.

Ayon sa abiso ng PAGASA, alas 5:49 ng umaga nang ulanin ang lalawigan ng Rizal, at ang mga bayan ng Sampaloc, Lucban at General Nakar sa Quezon.

Inulan din ang Luisiana, San Pedro, Sta. Rosa at Kalayaan sa Laguna, gayundin ang mga bayan ng Silang, Naic, Maragondon, Amadeo, Dasmariñas, Carmona at General Mariano Alvarez sa Cavite.

Ayon PAGASA, ang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa nabanggit na mga lugar na  tumagal ng isa hanggang dalawang oras.

Samantala, mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan din ang naranasan sa ilang bayan sa Bulacan at Batangas ngayong umaga.

Sa forecast ng PAGASA, easterlies pa rin ang naka-aapekto sa eastern section ng bansa.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan naman ang iiral sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog.

 

Read more...