Dagupan City, Sangley Point muling nakapagtala ng mataas na heat index

By Angellic Jordan May 27, 2021 - 07:03 PM

Patuloy na nakaranas ng mainit at maalinsangang panahon ang maraming lugar sa bansa sa araw ng Huwebes, May 27.

Sa datos ng PAGASA, umabot sa 48 degrees Celsius ang heat index sa Dagupan City, Pangasinan at Sangley Point, Cavite bandang 2:00 ng hapon.

46 degrees Celsius naman ang heat index sa Itbayat, Batanes habang 45 degrees Celsius sa Ambulong, Batangas dakong 2:00 ng hapon.

Nasa 44 degrees Celsius ang heat index sa mga sumusunod na lugar:
– Masbate City, Masbate (2:00 ng hapon)
– NAIA Pasay City (5:00 ng hapon)
– Tuguegarao City, Cagayan (5:00 ng hapon)

43 degrees Celsius na heat index naman ang heat index sa:
– Laoag City, Ilocos Norte (2:00 ng hapon)
– Roxas City, Capiz (11:00 ng umaga)

Naitala ang 42 degrees Celsius na heat index sa:
– Clark Airport, Pampanga (5:00 ng hapon)
– Davao City, Davao del Sur (1:00 ng hapon)
– Legazpi City, Albay (2:00 ng hapon)
– Surigao City, Surigao Del Norte (2:00 ng hapon)

Umabot naman sa 41 degrees Celsius ang heat index sa:
– Cubi Pt., Subic Bay Olongapo City (2:00 ng hapon)
– Port Area, Manila (2:00 ng hapon)
– Science Garden Quezon City (2:00 ng hapon)
– Sinait, Ilocos Sur (5:00 ng hapon)

Ayon sa weather bureau, mapanganib ang dulot kapag umabot sa 41 hanggang 54 degrees Celsius ang heat index dahil sa sobrang init, maaari itong magdulot ng heat cramps at heat exhaustion na posibleng mauwi sa heat stroke.

Paalala ng PAGASA sa publiko na dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan na muna ang anumang physical activities tuwing tanghali at hapon.

TAGS: heat index May 27, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, weather update May 27, heat index May 27, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, weather update May 27

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.