1.02-M Filipino, nabigyan na ng second dose ng COVID-19 vaccine
By Angellic Jordan May 27, 2021 - 04:55 PM
Patuloy pa rin ang COVID-19 vaccination drive sa Pilipinas.
Sa inilabas na datos ng National Task Force Against COVID-19 at Department of Health (DOH) hanggang May 25, mayroon nang kabuuang 4,495,375 doses ng bakuna laban sa nakakahawang sakit sa bansa.
Nasa 3,466,313 indibiduwal ang nabigyan ng first dose ng COVID-19 vaccine.
Nasa 1,029,061 katao naman ang nakakumpleto na ng kanilang second dose.
Nakasaad din sa datos na nasa 145,243 ang 7-day average ng daily vaccinated individuals.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.