Pinatatahimik ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang Australia sa isyu ng ‘rape joke’ kung saan naging sentro nito ang pagbibiro ng alkalde sa insidente ng panggagahasa at pagpatay sa isang Australian missionary ng mga preso ng Davao Jail noong 1989.
Dahil sa biro na ito ni Duterte, umani ng batikos ang alkalde sa iba’t-ibang sektro maging mula sa Australian Embassy.
Giit ng alkalde, hindi dapat makialam ang gobyerno ng Australia sa panloob ng usapin ng Pilipinas.
“This is politics. Stay out. Stay out Australian government. Stay out.” Pahayag ni Duterte.
Ang kanyang mga binitiwang salita aniya ukol sa sinapit ng Australian missionary ay hindi upang laitin ang sinapit ng biktima kung hindi kondenahin ang akto ng panggagahasa.
“I was derogating the act of rape. It’s a slang actually,” paliwanag pa nito sa isang panayam.
Una rito, sa pamamagitan ng Twitter post, nag-react si Australian Ambassador to the Philippines Amanda Gorely sa video ni Duterte kung saan ginamit nito sa isang talumpati at biro ang sinapit ng Australian minister na si Jacquelline Hamill na ginahasa at napatay sa Davao hostage incident noong 1989.
“Violence against women and girls is unacceptable anytime, anywhere”, Tweet ni Ambassador Gorely.
Samantala, pinaghihinay-hinay naman ni Duterte ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa pagkondena sa kanyang ‘gutter language’.
Siya aniya ay kandidatong pumapatay ng mga kriminal at may ‘foul mouth’ ngunit ang iba naman ay mga magnanakaw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.