Isang Pinoy, kabilang sa mga nasawi sa California rail yard shooting

Reuters photo

Kabilang ang isang Filipino sa mga nasawi sa nangyaring shooting incidente sa San Jose, California sa Amerika.

Kinumpirma ito ng Department of Foreign Affairs (DFA), sa pamamagitan ng Philippine Consulate General sa San Francisco.

Sa kabuuan, umabot sa walo katao ang napatay ng isang transit employee na responsable sa pamamaril sa light rail yard sa San Jose.

Kabilang din sa mga nasawi ang gunman.

Sa ngayon, hindi pa tiyak kung ano ang motibo sa pamamaril.

Read more...