Babaeng model, sinampahan ng kaso dahil sa pambubugbog sa traffic enforcer sa Maynila

By Chona Yu May 27, 2021 - 04:19 PM

Manila PIO photo

Arestado ang isang babaeng model matapos mangbugbog ng isang traffic enforcer sa kahabaan ng Osmeña Highway corner San Andres St., Malate, Manila.

Nakilala ang suspek na si Pauline Mae Altamirano, 26-anyos, model at residente ng Unit 8E, Tres Palmas, Taguig City.

Nabatid na minamaneho ni Altamirano ang kanyang Toyota Fortuner na may plakang NAX-2723.

Pinilit ni Altamirano na tumawid kahit pula o stop na ang traffic light.

Pinara si Altamirano ng traffic enforcer na si Marcos Anzures dahil sa traffic violation pero sa halip na huminto, dumiretso lang ang suspek dahilan para habulin ng mga enforcer.

Sa bahagi na ng Osmeña Highway, naabutan ang suspek.

Gayunman, nang suriin, wala pa lang driver’s license si Altamirano.

Pinagsabihan ng enforcer si Altamirano na sumunod sa impounding area sa Manila.

Pero sa halip na sumunod, pinagsasampal at binugbog ni Altamirano ang enforcer.

Dahil dito, kakasuhan na rin ang suspek ng direct assault.

TAGS: direct assault, driving without license, Inquirer News, Marcus Anzures, Pauline Mae Altamirano, Radyo Inquirer news, direct assault, driving without license, Inquirer News, Marcus Anzures, Pauline Mae Altamirano, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.