Pagbasura ng komite sa Kamara sa impeachment complaint laban kay SC Justice Leonen, dapat igalang – Speaker Velasco

By Erwin Aguilon May 27, 2021 - 04:00 PM

Hinimok ni House Speaker Lord Allan Velasco ang mga kumukwestyon sa naging pagbasura ng House Committee on Justice sa reklamong impeachment kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen na igalang ang pasya ng komite.

Ayon kay Velasco, nagdesisyon na ang komite kaya dapat itong igalang ng lahat.

Dahil naman sa dismissal sa Leonen impeachment, sinabi ni Velasco na ang Kamara ay mas makakatutok na sa iba pang mga nakabinbing trabaho at makakabuo ng mga lehislasyon na mas makakatulong sa mga Pilipino at ekonomiya na matinding naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Sa botong 44 na YES, 0 na NO at 2 ABSTENTION, ibinasura ang impeachment complaint laban kay Leonen.

‘Insufficient in form’ ang reklamong impeachment dahil sa news articles lamang ang pinagbasehan nito.

Kailangan, ayon sa komite, na mayroong personal knowledge ang complainant na si Edwin Cordevilla sa mga ibinibintay kay Leonen.

TAGS: Inquirer News, Leonen impeachment, Marvic Leonen, Radyo Inquirer news, Speaker Lord Allan Velasco, Inquirer News, Leonen impeachment, Marvic Leonen, Radyo Inquirer news, Speaker Lord Allan Velasco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.