Davao City, chocolate capital na ng Pilipinas

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang bagong batas na nagdedeklara sa kanyang hometown na Davao City bilang chocolate capital ng Pilipinas habang ang buong Davao Region ang cacao capital ng bansa.

Base sa Republic Act 11547, binibigyang halaga ang pagtatanim ng cacao para mapaigting pa ang rural development sa bansa sa pamamagitan ng export earnings.

Nais ng Pangulo na malagay ang Pilipinas sa mapa bilang producer ng finest coca beans.

Nakasaad din sa batas na dapat na bigyan ng livelihood o pangkabuhayan ang mga maliliit na magsasaka.

Kilala ang Davao sa Malagos chocolate na nanalo na ng ilang international awards.

Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang bagong batas sa araw ng Huwebes, Mayo 27, 2021.

Read more...