Proseso, ginawa lamang katatawanan ng complainant sa impeachment complaint kay SC Justice Leonen

By Erwin Aguilon May 27, 2021 - 03:35 PM

Tinawag ng ilang mga mambabatas na ginawa lamang katatawanan ng complainant sa impeachment complaint laban kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen ang proseso ng impeachment.

Ayon kay House Deputy Speaker Bienvenido Abante Jr., ginagawa lamang katatawanan ni Edwin Cordevilla ang proseso.

Iginiit naman ni House Deputy Minority Leader Carlos Isagani Zarate na hindi dapat hinahayaan ng Kongreso na magamit ang institusyon para sa interes ng iilan.

Umaasa naman si Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun na magsisilbing aral na rin sa komite ang pagkakataon na ito para mapigilan itong mangyari ulit sa hinaharap.

Kahit si Quezon City 6th District Rep. Jose Christopher “Kit” Belmonte ay nagsabi na pag-aralan din ang posibilidad nang pagpapa-contempt sa mga nagsasamantala sa kapangyarihan ng Kamara na manguna sa impeachment process.

Sa pagdinig ng komite na ibinasura ang reklamo sa botong 44-0 dahil sa insufficient in form.

Lumabas na photocopies lamang ng news articles ang isinumiteng bassehan ng reklamo.

Betrayal of public trust at culpable violation of the Constitution ang binanggit na grounds ni Cordevilla sa kanyang reklamo laban kay Leonen dahil sa hindi paghahain ng SALN at pag-upo nito sa mga kaso sa kanyang dibidsyon sa Supreme Court gayundin sa mga electoral protest sa House of Representatives Electoral Tribunal kung saan siya tumatayo bilang chairman.

TAGS: 18th congress, Edwin Cordevilla, Inquirer News, Leonen impeachment, Marvic Leonen, Radyo Inquirer news, 18th congress, Edwin Cordevilla, Inquirer News, Leonen impeachment, Marvic Leonen, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.