Magiging mahigpit ang Commission on Elections, sa pagpapatupad ng liquor ban kaugnay ng halalan.
Sa inilabas na Resolution 10095, nakasaad na mula mayo 8 hanggang 9, bawal ang sinomang uminom, magtinda, o magsilbi ng alak saan mang panig ng bansa.
Maaaring makulong ng hanggang anim na taon ang sinomang mahuhuli at hindi na maaaring humawak ng kahit anong posisyon sa gobyerno.
Tanging mga foreigner lamang ang hindi sakop ng liquor ban.
Maaari namang mag apply ng exemption ang mga establisimyentong may certification mula Department of Tourism na sila ay tourist-oriented o dinarayo ng mga foreigner.
MOST READ
LATEST STORIES