Kahalagahan ng physical fitness sa limitadong galawan at work from home tinalakay sa Philippine Heart Association forum
Napatunayan na sa mga pagsasaliksik ng ibat-ibang bansa na malaking bilang ng mga milyong-milyong namatay na dahil sa 2019 coronavirus ay mga may comorbidities, ang mga may diabetes, hypertension, respiratory at heart diseases.
Kayat pinaigting pa ng Philippine Heart Association (PHA) ang kanilang kampaniya laban sa cardiovascular disease o CVD, gaya ng heart attack, heart failure, deep vein thrombosis and pulmonary embolism, hypertension at stroke.
Ngayon may pandemya, pinaigting pa ng PHA ang pagsusulong ng kanilang Healthy Lifestyle 52100…5 servings ng prutas o gulay kada araw, 2 hours ng recreation screen time, hindi hihigit sa 2mgs ng karagdagang asin, 1 hour ng exercise, 0 sugar at 0 smoking.
Sa huling PHA Usapang Puso sa Puso episode noong Martes na may temang, ‘Usapang Quarantine: Mag-DaMoves Para sa Puso,’ tinalakay ang kahalagahan ng physical fitness para maiwasan ang CVD lalo na ngayon nalimitahan ang paggalaw ng mga tao dahil sa quarantine protocols at work from home arrangement.
Sa forum, ipinaliwanag ni Dr. Nanette Rey, isang kilalang cardiologist-electrophysiologist, ang mga benepisyo ng Fit Heart Minute (FHM), ang one-minute-every-hour exercise na binubuo ng 10 ulis na push ups, lunges, squats at jumping jacks.
Samantala, tinalakay naman ni Dr. Raul Lapitan, ang ‘Science Behind the 10K Steps’ para maiwasan ang CVD, malabanan ang pagkakaroon ng labis na timbang, gayundin ang ‘Sneakers Friday’ para mahikayat ang mga nasa trabaho na maglakad-lakad.
Nagpahayag naman ng suporta sina celebrity coaches Jim at Toni Saret sa adbokasiya at programa ng PHA sa katuwiran na makakatulong ang mga ito para mapanatili ang malusog at magandang pangangatawan.
Ngayon ay ginugunita ng PHA, na binubuo ng halos 2,000 cardiologists sa bansa, ang kanilang ika-69 anibersaryo at ang kanilang tema ngayon taon para sa kanilang ika-51 Annual Convention at Scientific Meeting ay ‘Next Level Strategies.’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.