Pagtatalaga ng regional NTF-ELCAC spokespersons binatikos ng NPA

Magmimistulang loro lang ng mga kasinungalingan ang mga itatalagang tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF – ELCAC).

Ito ang sinabi ni Ka Ma. Roja Banua, ang tagapagsalita ng NDF – Bikol at aniya ang mas kailangan sa ngayon ay mga karagdagang health workers, contact tracers at iba pang makakatulong sa pagharap sa pandemya dulot ng COVID 19.

“Malinaw na higit na prayoridad ng pasistang rehimeng Duterte ang magtalaga ng mga karagdagang kampon ng kasinungalingang nagpapakasasa sa buwis ng mamamayan dahil sa malalaki nilang sweldo kaysa sa ituon ang kanilang mga resorsa sa pagpabilis ng pagsugpo sa pandemya,” diin ni Banua.

Dagdag pa nito, mababalewala din ang anumang hakbang na gagawin ng gobyerno sa katuwiran niya na mas malakas ang boses ng mamamayan.

“Ngunit anumang gawing pagpaparami at pagpapalawak ng lambat ng mga bayarang kampong susuka ng mga kabalintuanan laban sa masang inaapi ay hindi nito kakayaning lunurin ang higit pang lalakas na boses ng mamamayan upang isiwalat ang katotohanan sa kanilang mga kalagayan at patuloy na paglaban,” sabi pa ni Banua.

Read more...