P1.10 hanggang P1.50 na oil price increase, epektibo ngayong araw

 

Magpapatupad ng dagdag presyo ang mga kumpanya ng langis ngayong araw ng Martes, April 19, 2016.

Nag-anunsyo ang SeaOil, Petron at Shell na magpapatupad sila ng dagdag na P1.10 sa presyo ng gasolina, P1.50 sa diesel habang P1.10 rin sa kerosene, epektibo alas-6:00 ng umaga.

Nauna namang nagpatupad ng parehong dagdag presyo ang Flying V kaninang 12:01 ng hatinggabi.

Samantala ang Eastern Petroleum,Total, PTT at Phoenix naman ay magdaragdag lang ng P1.10 rin sa gasolina at P1.50 sa diesel epektibo alas-6:00 ng umaga, ngunit wala namang paggalaw sa presyo ng kanilang kerosene.

Read more...