P1.10 hanggang P1.50 na oil price increase, epektibo ngayong araw

By Kathleen Betina Aenlle April 19, 2016 - 04:26 AM

 

gas-pump-0119Magpapatupad ng dagdag presyo ang mga kumpanya ng langis ngayong araw ng Martes, April 19, 2016.

Nag-anunsyo ang SeaOil, Petron at Shell na magpapatupad sila ng dagdag na P1.10 sa presyo ng gasolina, P1.50 sa diesel habang P1.10 rin sa kerosene, epektibo alas-6:00 ng umaga.

Nauna namang nagpatupad ng parehong dagdag presyo ang Flying V kaninang 12:01 ng hatinggabi.

Samantala ang Eastern Petroleum,Total, PTT at Phoenix naman ay magdaragdag lang ng P1.10 rin sa gasolina at P1.50 sa diesel epektibo alas-6:00 ng umaga, ngunit wala namang paggalaw sa presyo ng kanilang kerosene.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.