Plebisito para sa ‘economic Cha cha’ posibleng pang maikasa bago ang 2022 elections

By Erwin Aguilon May 27, 2021 - 10:06 AM

Naniniwala si House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda na may sapat pang panahon para maikasa ang plebisito para sa isinusulong na pag-amyenda sa ‘economic provisions’ ng 1987 Constitution.

Kasunod ito nang pagpasa sa 2nd reading ng panukalang maamyendahan ang ilang probisyon ng Saligang Batas.

Paliwanag niya may sapat pang oras upag makumpleto ang tinatawag na legislative process kayat nanawagan siya sa Senado na palusutin na ang katulad na panukala sa kanilang bahagi.

Paglilinaw pa ni Salceda na hindi magagalaw ang political provisions ng Saligang Batas.

Naniniwala ito na ang restrictive economic provisions ang nagsisilbing balakid sa pagpasok ng foreign direct investments sa Pilipinas.

Partikular na nais maamyendahang bahagi ng Konstitusyon ang Articles XII, XIV, at XVI.

Hindi kasama dito, sabi ng mambabatas, ang Section VII ng Article XII na tumatalakay sa pagmamay-ari ng lupa ng mga dayuhan, bagamat nais din mapaluwag ang limitasyon sa foreign ownership ng ilang mahahalagang negosyo sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.