LGUs itinuro sa pagpapalista ng unang babakunahang essential workers

Nakadepende na sa mga lokal na pamahalaan kung sino-sino ang mga unang babakunahang essential workers na kabilang sa A4 category, ayon sa Department of Health.

Paliwanag ni Usec. Myrna Cabotaje kailangan ay iprayoridad na ng mga lokal na pamahalaan ang mga dapat unang mabakunahan sakaling hindi agad maging sapat ang suplay ng mga bakuna para sa tinatayang 13 milyong nasa A4 category sa NCR Plus bubble.

Sinabi pa ng namumuno sa National Vaccination Operations Center bahala na ang LGUs kung anong istratehiya ang kanilang gagawin sa mga dapat mabakunahang essential workers.

Plano ng gobyerno na simulan ang pagpapabakuna sa economic at government frontliners sa pagpasok ng susunod na buwan.

Kasama din sa mga susunod na dapat mabakunahan ay ang mga mahihirap na Filipino.

Read more...