Sen. Imee Marcos: Pagboto ng 23 milyong botante sa 2022 elections nakadepende sa ‘early voting’ bill

By Jan Escosio May 27, 2021 - 08:08 AM

Nababahala si Senator Imee Marcos sa posibilidad na hindi makaboto ang 23 milyong rehistradong botante sa 2022 elections kung hindi maipapasa ang inihain niyang Senate Bill No. 1104.

Paliwanag niya layon ng kanyang panukala na payagan na rin ang iba pang grupo na makaboto ng maaga.

Banggit niya base sa 2021 population statistics projection, may 9.8 milyong senior citizens, 9.2 milyong katutubo, 2.2 milyong buntis at 1.7 milyong may kapansanan ang kinakailangan magkaroon ng alternatibong pamamaraan ng pagboto.

“Hindi ito isang maliit na bagay lang sa gitna ng mga restriksyon ngayong may pandemya at takot ng nasabing mga sektor na lumabas at bumoto. Hindi pa kasali ang mga guro, mga pollwatchers, AFP at PNP personnel, gayundin ang mga miyembro ng media na magiging full-time ang trabaho sa mismong araw ng eleksyon,” sabi pa ng namumuno sa Senate Committee on Electoral Reforms.

Aniya magigipit na sa oras ang Comelec kung hindi pa magkakaroon ng mga bagong pamamaraan ng pagboto ngayon nahaharap pa sa pandemya ang bansa.

Paliwanag niya kapag naging batas ang kanyang panukala, maaring makaboto ng hanggang isang buwan na mas maaga ang mga kikilalaning eligible groups.

“Para matiyak na di malalagay sa peligro ang kalusugan at kaligtasan ng mga botante, dapat may alternatibong lugar ng botohan kaysa nakasanayang mga silid-aralan. Maiiwasang kumalat ang impeksyon sa pamamagitan ng paggamit ng mga stadium, auditorium, multi-purpose hall, maging mga covered elevated na mga parking lot sa mga mall,” diin ng senadora.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.