Pangulong Duterte: Mga dadalo sa mass gathering ikukulong, barangay chairman unahin

By Chona Yu May 27, 2021 - 07:53 AM

Ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang pagpapakulong sa mga dadalo sa mass gathering o pagtitipon at aniya ang unang aarestuhin ay ang barangay chairman.

 

Sinabi ito ni Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People kagabi.

 

Aniya maghahanap siya ng batas na maaring maging sandigan ng mga awtoridad sa gagawin nilang pag-aresto at pagpapakulong sa mga dadalo sa mga pagtitipon.

 

Nakakadismaya, sabi pa ng Punong Ehekutibo, na binabalewala ang health protocols at nalalagay sa panganib ang kalusugan ng mamamayan.

 

Sabi pa nito, maituturing na krimen ang pagpasa ng 2019 coronavirus sa ibang tao at puna din nito, may mga kababayan tayo na matitigas ang ulo.

 

Sa pag-aresto naman sa mga punong barangay, sinabi ng pangulo na maaring maharap ang mga magpapabaya ng kasong dereliction of duty.

 

Pagdidiin niya trabaho ng mga punong barangay na matiyak na walang nagaganap na pagtitipon ng mga tao sa kanilang lugar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.