Boyfriend ni Edgel Durolfo, itinangging pinatay ang GF

By Mariel Cruz April 19, 2016 - 04:22 AM

 

File photo/FB

Iginiit ng pangunahing suspek na si Rodney Ynchausti ang pagiging inosente sa pagkamatay ng kanyang fiance na si Solaire hotel manager Edgel Joy Durulfo.

Ito ang naging pahayag ni Ynchausti sa kanyang kauna-unahang pagharap sa preliminary investigation sa kasong murder na inihain laban sa kanya at tatlong iba pang suspek kanina sa Parañaque Prosecutor’s Office.

Kasama rin ni Ynchausti na humarap sa preliminary investigation ang dalawa pang suspek na si Josiebell Uy at Molo Hwang.

Kasabay ng pagharap ng mga suspek sa QC prosecutor’s office, inihain rin nila ang kanilang counteraffidavit.

Ayon kay Ynchausti, aksidente ang nangyari at namatay si Durulfo dahil sa ininom nitong Ecstasy pill.

Sinabi rin ni Ynchausti na hindi niya kayang gawin ito sa kanyang fiance dahil mahal niya ito at may plano na silang magpakasal sa 2017.

Ngunit base sa resulta ng autopsy ni Durulfo, lumabas na namatay ito dahil sa “asphyxia by manual strangulation” o pananakal.

Namatay si Durulfo sa San Juan De Dios Hospital sa Pasay City nang isugod ito ni Ynchausti noong February 26.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.