Inspeksyon sa ginagawang PNR Clark Phase 1 Projects, pinangunahan ni Sec. Tugade
Pinangunahan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang isinagawang inspeksyon sa Bulacan segment ng PNR Clark Phase 1 Project na naglalayong magkonekta sa Tutuban, Manila at Malolos, Bulacan.
Bahagi ng mga isinagawang inspeksyon ang actual viewing of tracks sa area 7, detension basin ng 1 at 2, workshop, operation control building, at light repair shop sa Malanday Depot.
Nagtungo din ang grupo sa inspection site ng launching girder, kung saan inilulunsad ang girder 2 na bahagi din ng konstruksyon ng proyekto.
Kasama ni Tugade sa isinagawang inspeksyon sina Bulacan 4th District Rep. Henry Villarica, Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, at Philippine National Railways (PNR) General Manager Junn Magno.
Mula Malanday Depot at Meycauayan Construction Yard, personal ding ininspeksyon ni Tugade ang construction yard ng Meycauyan sa Bulacan para sa presentasyon ng segment casting, kung saan inilahad ang mga target schedule at lokasyon sa pagkakabit ng mga susunod na girder.
Sinabi ni Tugade na noong 1993 pa unang na-conceptualize ang NSCR project, at apat na beses na itong sinubukan maumpisahan bago ang aktwal na nasimulan ang konstruksyon ng proyekto.
“Before, it’s just Talk, Talk, Talk. With the construction, you will see, there is no turning back. All moving forward,” pahayag ni Tugade.
Ang 38-kilometer PNR Clark Phase 1 ay bahagi ng massive North South-Commuter Railway (NSCR) Project ng DOTr at ng PNR, na ngayon ay may 45.82-percen5 overall progress rate na.
Kapag naging operational ang PNR Clark Phase 1, magiging 35 minuto na lamang ang biyahe ng ating mga kababayan mula Tutuban hanggang Malolos mula sa kasalukuyang travel time na isang oras at 30 minuto.
Inaasahang 7,500 na pasahero ang tinatayang mabibigyan ng trabaho habang isinasagawa ang konstruksyon ng proyekto, samantalang 2,000 trabaho naman ang inaasahan pang magbubukas oras na matapos at maging operational na nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.