Magnitude 3.8 na lindol, tumama sa Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang Davao Occidental, Miyerkules ng gabi.

Sinabi ng Phivolcs na namataan ang lindol sa Jose Abad Santos.

Tumama ang lindol bandang 10:59 ng gabi.

May lalim itong 2 kilometers at tectonic ang origin.

Wala namang napaulat na pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...