Sangley Point, nakapagatala ng 47 degrees Celsius na heat index

By Angellic Jordan May 26, 2021 - 11:02 PM

Patuloy na nakaranas ng mainit at maalinsangang panahon ang maraming lugar sa bansa sa araw ng Miyerkules, May 26.

Sa datos ng PAGASA, umabot sa 47 degrees Celsius ang heat index sa Sangley Point, Cavite bandang 2:00 ng hapon.

44 degrees Celsius naman ang heat index sa Aparri, Cagayan dakong 11:00 ng umaga.

Nasa 43 degrees Celsius ang heat index sa mga sumusunod na lugar:
– Dipolog, Zamboanga del Norte (2:00 ng hapon)
– Masbate City, Masbate (2:00 ng hapon)
– Tuguegarao City, Cagayan (2:00 ng hapon)

42 degrees Celsius na heat index naman ang heat index sa:
– Ambulong, Batangas (2:00 ng hapon)
– Clark Airport, Pampanga (11:00 ng umaga)
– Cotabato City, Maguindanao (2:00 ng hapon)
– Iba, Zambales (2:00 ng hapon)
– Laoag City, Ilocos Norte (2:00 ng hapon)
– NAIA, Pasay City (2:00 ng hapon)
– Sinait, Ilocos Sur (2:00 ng hapon)

Naitala ang 41 degrees Celsius na heat index sa:
– Casiguran, Aurora (2:00 ng hapon)
– San Jose, Occidental Mindoro (11:00 ng umaga)

Ayon sa weather bureau, mapanganib ang dulot kapag umabot sa 41 hanggang 54 degrees Celsius ang heat index dahil sa sobrang init, maaari itong magdulot ng heat cramps at heat exhaustion na posibleng mauwi sa heat stroke.

Paalala ng PAGASA sa publiko na dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan na muna ang anumang physical activities tuwing tanghali at hapon.

TAGS: heat index, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, weather update, heat index, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, weather update

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.