Panukala upang bigyan ng cash assistance ang mga magsasaka, pasado na sa komite sa Kamara

By Erwin Aguilon May 26, 2021 - 05:03 PM

INQUIRER FILE

Inaprubahan na ng House Committee on Agriculture and Food at House Committee on Appropriations ang panukala na layong bigyan ng cash assistance ang mga magsasaka.

Sa ilalim ng Hosue Bill 8964 o Cash Assistance for Filipino Farmers Act of 2020 na inakda ni Appropriations Chair at ACT-CIS Rep. Eric Yap, binibigyang kapangyarihan ang Department of Agriculture (DA) na gamitin na pantulong sa mga magsasaka ang sosobra na koleksyon sa itinakdang P10-billion annual tariff revenue ng Republic Act 11203 o Rice Liberalization Law.

Partikular na bibigyan ng direct cash assistance hanggang 2024 ang mga magsasaka na mayroong dalawang ektaryang lupain o mas mababa pa.

Suportado naman ng DA ang panukala na napapanahon sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Inaasahang 1.5 milyong magsasaka ng palay ang makikinabang sa oras na maging ganap na batas ang panukala.

Samantala, inirekomenda naman ni Nueva Ecija Rep. Micaela Violago na isama rin sa probisyon ng panukala na ibebenta o bibilhin ng National Food Authority (NFA) ang mga ani ng mga magsasaka nang sa gayon ay mapakinabangan nang husto ng mga ito ang ayuda.

TAGS: Cash Assistance for Filipino Farmers Act of 2020, Hosue Bill 8964, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Eric Yap, Cash Assistance for Filipino Farmers Act of 2020, Hosue Bill 8964, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Eric Yap

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.