25-anyos na pilot student, patay nang bumagsak ang eroplano sa La Union
Bumagsak ang isang Tecnam P-210 aircraft (RP-C8230) sa bahagi ng Barangay Urayong Bayan sa Bauang, La Union.
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), nasawi ang 25-anyos na pilot student na nasa solo cross-country flight.
Estudyante ito ng First Aviation Academy sa Subic.
Narekober ng Philippine Coast Guard (PCG) ang ilang bahagi ng eroplano sa karagatang sakop ng bayan ng Caba.
Sa ngayon, ang mga labi ng student pilot na residente ng Paligui, Apalit, Pampanga ay nasa Mapanao Funeral Service sa bayan ng Aringay.
Naka-deploy na ang CAAP Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board investigators para malaman ang sanhi ng aksidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.