BREAKING: COVID-19 cases sa Pilipinas, lagpas 1.19-M na; Higit 5,000 ang bagong naitala

Mahigit 5,000 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (May 26), pumalo na sa 1,193,976 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabi kasing bilang, 46,037 o 3.9 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 5,310 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

92.5 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 2.1 porsyento ang asymptomatic; 1.51 porsyento ang moderate; 2.2 porsyento ang severe habang 1.7 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 150 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 20,169 o 1.69 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 7,408 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 1,127,770 o 94.5 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...