1-M doses ng AstraZeneca, naiturok na bago umabot sa expiry date – DOH
Aabot na sa isang milyong doses ng AstraZeneca ang naiturok na bago pa man ang expiry date sa Hunyo at Hulyo.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na ang isang milyong doses ay bahagi ng dalawang milyong doses ng AstraZeneca na dumating sa bansa sa buwan ng Mayo.
Ayon kay Cabotaje, 500,000 sa natitirang bakuna ay gagamitin bilang second dose sa health workers na nabakunahan na noong Marso habang ang 500,000 ay gagamiting first dose.
Kumpiyansa si Cabotaje na maituturong ang 500,000 doses bilang first jab bago sumapit ang katapusan ng Hunyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.