Jerusalem ginulantang ng bus bombing, 21 sugatan

By Jay Dones April 19, 2016 - 06:40 AM

AP PHOTO
AP PHOTO

Sugatan ang hindi bababa sa 21 katao matapos ang pagpapasabog sa isang bus sa Jerusalem.

Ayon kay Jerusalem police commissioner Yoram Halevy, wala silang duda na isang terror attack ang pagpapasabog.

Iniimbestigahan na kung sino ang nagtanim ng bomba at kung paanong naipasok ito sa bus.

Dalawa sa mga nasugatan ay kritikal ang kondisyon habang sunog na sunog naman ang sumabog na bus at nadamay ang isa pang bus at kotse na nakaparada sa lugar.

Ayon kay Moshe Levy, driver ng sumabog na bus, dalawang beses niya pang sinuri ang sasakyan bago siya bumiyahe.

Nasa kasagsagan aniya sila ng traffic nang biglang sumabog ang likurang bahagi nito.

Agad nakababa ang mga nasa bungad na bahagi ng bus bago pa ito tuluyang natupok, habang karamihan sa mga nasugatan ay nakaupo sa likurang bahagi.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.