Sen. Drilon, nagpaliwanag sa ‘pagharang’ sa local hospital bills
Hinanapan ng paliwanag ni Senate Minority Leader Frank Drilon ang mahigit isang taon na pagkakabinbin ng ilang hospital expansion bills sa Senate Committee on Health na pinamumunuan ni Senator Christopher Go.
Dagdag pa ni Drilon, hindi rin naging malinaw sa mga panukala ni Go ang paghuhugutan ng pondo para sa expansion ng 13 ospital.
Paliwanag pa nito, nabigo ang nabanggit na komite na iulat ang mga panukala nang binalangkas ang 2021 national budget.
“I examined the records and to my surprise, I found out that these measures we have been debating on have been pending in the Senate for 15 months dahil hindi ginagalaw ng komite. Bakit po inabot 15 buwan bago dalhin sa plenaryo?’ tanong ng senador.
Paniwala nito, nakatulong sana nang husto sa pagharap ng gobyerno sa pandemya ang mga ospital kung mapagtuunan lang aniya ng sapat na pansin ni Go.
Aniya, para ipakita ang kanyang suporta sa mga panukala, ang suhestiyon ni Drilon ay hugutin ang pagpopondo sa mga panukala sa Miscellaneous Personnel Benefit Fund at Pension and Gratuity Fund na may kabuuang pondo na higit P182 bilyon.
Paliwanag pa nito, ang kanyang pagbusisi sa mga panukala ni Go ay hindi para patagalin o harangin ang mga ito, kundi para lang magkaroon ng linaw ang pagpopondo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.