Mga naka-recover sa COVID-19 sa hanay ng PNP, lagpas 21,500 na

Nasa 139 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Miyerkules (May 25), 23,146 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 1,562 ang aktibo pang kaso.

127 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 21,520 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 64 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...