Panukala na pagbubuwis sa POGO isinalang na sa debate sa plenaryo ng Senado

Sinimulan na ng Senado ang debate sa plenaryo para sa panukala na magtatakda ng buwis sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Inendorso na ni Sen. Pia Cayetano ang pag-apruba sa Senate Bill No. 2232, na layon amyendahan ang National Internal Revenue Code.

Paliwanag ng namumuno sa Senate Ways and Means Committee na kailangan nang maging malinaw at magkaroon ng sistema nang pagbubuwis sa lahat ng mga may kaugnayan sa offshore gaming operations.

Diin niya napatunayan naman na sumigla ang online gaming sa bansa at nakapag-ambag ito sa kita ng gobyerno noong nakaraang taon.

Binanggit ni Cayetano na base sa datos mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR), ang nakolektang buwis mula sa POGOs noong nakaraang taon ay umabot sa P7.18 bilyon.

“The long-standing questions about the tax obligations of POGOs conducting business in our country remain unanswered and unaddressed, which means billions worth of revenue losses for our government,” pagpunto ng senadora.

Naniniwala si Cayetano na ang panukala ang magpapasak ng mga butas sa batas sa pagbubuwis sa bansa sa usapin ng operasyon ng POGOs.

 

Read more...