Panukalang Bayanihan 3 aprubado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara
Lusot na sa ikalawang pagbasa ng Mababang Kapungan ng Kongreso ang panukalang Bayanihan Law 3.
Sa viva voce voting, lumusot ang House Bill 9411 o ang Bayanihan to Arise as One Act 3.
Malaking bahagi ng pondo na nagkakahalaga ng P216B ay mapupunta para sa P2,000 ayuda para sa bawat isang Filipino anuman ang kanilang status sa buhay.
Ibibigay ito ng dalawang installment o P1,000 bawat isa.
Layunin din ng panukala na tulungana ng mga households na apektado ng pandemya kung saan ang lugar ng mga ito ay nasa ilalim ng enhanced community quarantine sa pamamagitan ng pagbibigay ng one-time cash subsidy na mula P5,000 hanggang P10,000.
Ang Department of Social Welfare and Development ang naatasang mamahagi nito sa ilalim ng Bayanihan 3.
Ang orihinal na panukala ay mangangailangan ng P405.6 billion pero sa inaprubahan ng mga kongresista ay bumaba ito sa P401B.
Si House Speaker Lord Allan Velasco ang pangunahing may-akda ng panukala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.