Mga kasambahay, target mabakunahan kontra COVID-19 sa susunod na buwan
Target ng pamahalaan na maisama na sa A5 priority list sa mga babakunahan kontra COVID-19 ang mgakasambahay.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, next in line na ang mga kasambahay na mabakunahan sa susunod na buwan.
Maikukunsidera kasi ayon kay Roque na indigent ang mga kasambahay.
Ayon kay Roque, maaring gamitin ng mga kasambahay sa pagpaparehistro sa vaccination program ang kanilang Social Security System o Philhealth para patunayang kasama sila sa indigent group at may karapatang mapabilang sa A5.
Kaugnay nitoy inihayag naman ni testing czar Vince Dizon na iminumungkahi ng National Task Force na mabigyan ng flexibility ang mga lokal na pamahalaan upang madetermina kung sino ang kasama sa A5.
Makakasabay ng mga nasa A5 group ang A4 na bubuuin naman ng mga frontliner at essential workers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.