LPA sa loob ng PAR binabantayan ng PAGASA

DOST PAGASA Facebook photo

Isang Low Pressure Area ang binabantayan ng PAGASA sa loob ng Philippine Area of Responsibility.

Ayon kay PAGASA weather forecaster Benison Estareja, kaninang 3am huling namataan ang LPA sa layong 825 kilometro Silangan ng Mindanao.

Mababa anya ang tyansa nito upang maging bagyo.

Sabi ni Estareja, malaki ang posibilidad na malusaw ang nasabing sama ng panahon sa susunod na dalawampu’t apat na oras.

Samantala, asahan na ang maaliwalas na panahon sa malaking bahagi ng Luzon ngayong umaga.

Magiging maalinsangan at mainit naman ang panahon pagdating ng tanghali.

Inaasahan naman ang pagkakaroon ng localized thunderstorm pagdating ng hapon hanggang gabi na magdadala ng mga pag-ulan.

Ang Visayas at Mindanao ay makararananas naman ng makulimlim n panahon dulot ng Intertropical Convergence Zone na may dalang mga pag-ulan.

 

 

 

Read more...