Rehabilitasyon sa Biliran bridge, sisimulan sa Hulyo

By Angellic Jordan May 25, 2021 - 11:28 PM

DPWH photo

Sisimulan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang rehabilitasyon sa Biliran Bridge sa buwan ng Hulyo.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, kabilang sa P50-million project ang pagsasaayos ng bearings ng tulay, bridge deck, pagpapalit ng bolts, de-rusting, repainting at retrofitting ng bridge girder gamit ang carbon fiber plate.

Magtatayo rin ng field office para sa maintenance crew sa ilalim ng nasabing tulay.

Sinabi ng kalihim na hindi na kayang ma-accommodate ng tulay ang malalaki at mabibigay ng sasakyan dahil sa kondisyon nito.

“Apart from securing the safety and convenience of travelers and residents, we are also preserving the historical significance of the existing bridge,” pahayag ni Villar.

Ang Biliran Bridge ay ikinokonsidera bilang natatanging tulay na nagkokonekta sa isla ng Biliran Province at Leyte.

TAGS: Biliran bridge, Build Build Build program, DPWH, DPWH project, Inquirer News, Konkreto2022, Mark Villar, Radyo Inquirer news, Biliran bridge, Build Build Build program, DPWH, DPWH project, Inquirer News, Konkreto2022, Mark Villar, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.