Nagretiro na ang nine-time PBA champion at Gilas Pilipinas legend na si Marc Pingris sa basketball.
Inanunsiyo ng binansagang “Pinoy Sakuragi” ang kaniyang pagreretiro sa kaniyang Instagram account.
Sa IG post, inalala ni Pingris nang tawagin ang kaniyang pangalan noong 2004 PBA Draft. Sa naturang pagkakataon aniya nagsimulang matupad ang pangarap niya.
“16 years na din ako sa PBA pero alam ko na ngayon na din ang tamang panahon para umpisahan ang bagong chapter ng buhay ko,” saad ng manlalaro.
Isa-isang binanggit ni Pingris ang mga pangalan ng mga nais niyang pasalamatan para sa paghubog sa kaniya bilang manlalaro. Kabilang dito ang coaches, teammates, media, fans at iba pa.
Pinasalamatan din ng manlalaro ang kaniyang pamilya, asawa na si Danica Sotto, mga anak na sina Mic at Caela, at lalo na ang Panginoon.
“It has been a glorious 16 years, #pinoysakuragisigningoff,” saad pa nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.